Thursday, August 04, 2016

Malay nagtala ng mahigit isang libong registrants para sa Barangay at SK election

Posted August 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for comelec registrationUmabot sa 1,857 ang mga bagong botante ng Malay para sa nalalapit na Barangay at SK election  sa katatapos na registration nitong katapusan ng Hulyo.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig,  ang bilang ng mga botante na nagparehistro ay kinabibilangan ng mga bagong botante sa Sangguniang Kabataan, ang ilan sa kanila ay dumaan sa re-activation at correction sa kanilang pangalan.

Kaugnay nito, sinabi ni Cahilig na mahigit 33, 813 ang bilang ng kabuuan botante sa Malay  kung saan hindi pa nila dito naidagdag ang 1, 857 na bagong rehistro.

Dagdag pa ni Cahilig, hindi pa nila nabibilang ang kabuuang active na botante dahil ang iba sa mga ito ay patay na at nagtransfer na sa pagboto sa ibang lugar.

Samantala,  mag-uumpisa umano ang election period sa Oktubre 1-7, habang ang filing ng COC naman ay sa Oktobre 3-5, at ang election campaign ay sa Oktobre 21 hanggang 29 at ang araw ng eleksyon ay sa Oktubre 31 taong kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment