Wednesday, August 03, 2016

Aklan handa na sa School Based Immunization Program

Posted August 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for School Based Immunization Program
Handa na sa implementasyon para sa National School Based Immunization Program ang probinsya ng Aklan na gagawin ngayong buwan ng Agosto.
Itong libreng vaccination program ng gobyerno ay sa pakikipagtulungan sa Department of Health, Department of Education at Department of Interior and Local Government.

Nag-paabot naman ng kahandaan sina Dr. Anthony Redaniel ng DOH-Aklan, Dr. Cornelio Cuachon, Jr. at Bella Villaruel ng Provincial Health Office, at Ethel Palmani ng DepEd-Aklan na handa na ang kanilang departamento sa vaccination program.

Singurado naman ng mga ito na ang vaccines ay libre, ligtas at epektibo dahil hindi naman umano sila nagbibigay ng bakuna na makakapahamak sa mga bata.

Dahil dito hinihikayat ng mga nasabing departamento ang mga magulang na payagan ang kanilang mga anak sa grade 1-7 sa mga pampublikong eskwelahan na magpabakuna dahil ito ay booster doses ng Measles-Rubella (MR) Tetanus-diphtheria (Td) vaccines na kinakailangan para maipagpatuloy ang mataas na lebel ng proteksyon.

No comments:

Post a Comment