Posted August 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot na sa isang milyon ang tourist arrival sa isla ng
Boracay sa loob ng unang kalahati ng taon simula noong Enero hanggang nitong
Hulyo 2016.
Ito ay base sa datos na ipinilabas ng Municipal Tourism Office
ng Malay kung saan nagpapakita na umabot na sa 1, 156, 775 ang tourist arrival
o kabuuang turista na nagbakasyon sa Boracay nitong taon.
Ayon kay Municipal Tourism Officer Felix Delos Santos,
masaya sila dahil mabilis na naabot ang 1 milyong tourist arrival na may
kabuuang target na 1.7 milyon tourist arrival loob ng isang taon.
Buwan ng Abril at Mayo naman ang may pinakamtaas na
tourist arrival sa Boracay na kung saan karamihan sa mga pumunta rito ay mga
local tourist ngunit dumagsa naman ang mga foreign tourist noong Enero at Pebrero
gayon din ang mga OFW.
Nabatid na mas mataas ng ilang porsyento ang naitalang
tourist arrival ngayon 2016 kumpara noong 2015 ng kaparehong period na may
bilang lamang na 973, 434.
Samantala, inaasahan naman ng MTour Malay na maaabot nila
ang kanilang target na 1.7 million tourist arrival ngayong taon lalo na at meron
pang natitirang limang buwan bago magtapos ang 2016.
No comments:
Post a Comment