Tuesday, August 02, 2016

185 PNCO sa Aklan na promote

Posted August 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nasa kabuuang one hundred eighty five (185) na bagong promote na police non-commissioned officers ang nanumpa kahapon ng umaga sa Camp Pastor Martelino, Parade Ground, New Buswang, Kalibo.

Sa 185 promotees, 105 dito ang na-promote sa rangkong  PO2; 28 dito ang na-promote bilang Police Officer 3; 42 sa Senior Police Officer 1; 1 sa Senior Police Officer 2; 2 sa Senior Police Officer 3 at 7 namang Senior Police Officer 4.

Matatandaang noong Hulyo 25, sampung Police Commissioned Officers mula sa Aklan PPO ay na-promote din sa mataas na posisyon sa Camp Delgado, Iloilo City.

Ang mga nasabing promotees ay nakapasa sa eksaminasyon at interbyu para sa 1st Level at 2nd Level 2016 Regular Promotion Program.

Nabatid na ang aktibidad na ito ay isa ring parti ng patuloy na personnel development program ng PNP para maiangat ang morale ng bawat miyembro ng PNP na nakaipon ng merit sa kanilang duties at responsibilities bilang mga law enforcers.

No comments:

Post a Comment