Friday, August 05, 2016

Kalibo International Airport pagtutuunan ng pansin ng DOT at transportation department

Posted August 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT FACEBOOK
Isa ang Kalibo International Airport (KIA) sa mga pagtutuunan ng pansin ng Department of Tourism (DOT) at ng Transportation Department ng bansa.

Ito ang napagkasunduan sa isinagawang press meeting sa Davao City ng mga kinauukulun kung saan nais ng DOT na bigyang pansin ang development at improvement ng nasabing paliparan.

Kabilang din dito ang Manila (NAIA), Mactan International Airport sa Cebu, Clark International Airport sa Pampangga, Davao International Airport, Iloilo International Airport at Puerto Princesa.

Layun umano nito na mabigyang pansin ang kakulangan ng mga nasabing paliparan para mabigyan ng magandang serbisyo ang mga pasahero lalo na ang mga turista na pumapasok sa Pilipinas mula sa ibat-ibang bansa.

Ang Kalibo International Airport ay patuloy ngayong inaayos kung saan isa ito sa pinakaabalang paliparan sa bansa dahil sa daming International flights na pumapasok araw-araw dahil sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment