YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 03, 2016

Clearing operation sa vegetation area sa Boracay ipapatupad-Aguirre

Posted August 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay beachfrontIpapatupad na ang clearing operation sa vegetation area ng isla ng Boracay sa mga susunod na araw ayon kay Executive Assistant Rowen Aguirre ng Office of the Mayor.

Sa panayam ng himpilang ito kay Aguirre, ipapatanggal umano nila ang lahat ng mga lamesa at upaan na makikita tuwing day time sa vegetation area kasama na rito ang mga beach umbrella, at sound system.

Puwedi naman umanong ilagay ang mga ito umpisa ng ala-5 ng hapon para sa kanilang operasyon tuwing gabi sa vegetation.

Sinabi din nito na bawal ang paglalagay ng mga mini bars sa nasabing area kung walang special event at walang permit mula sa LGU.

Maliban dito tatanggalin din ang lahat ng mga vendors sa vegetation may permit man o wala kung saan ilalagay naman ang mga ito sa isang lugar.

Samantala, isa din umano sa kanilang tatanggalin ang mga illegal commissioners upang hindi na makasagabal ang mga ito at makapanloko sa mga turista.

Kasama din sa kanilang bibigyan pansin ay ang mga wind breaker na ginagawang harang ng mga establisyemento sa beach front tuwing habagat kung saan kinakailangan na ang lahat ng mga ito ay pareho-pareho base sa standard ng LGU.

Ayon pa kay Aguirre, ang clearing operation sa vegetation ay isa sa mga tutukan ng administrasyon ni Mayor Cawaling kung saan dapat malinis umano ito at hindi nakakasabagal sa mga dumadaang turista lalo na sa mga sasakyan para sa emergency purposes.

Katuwang sa gagawing operasyong ito ang Boracay PNP, MAP at licensing Office kung saan ang hindi susunod sa kautusang ito ng LGU ay mahaharap sa kaukulang penalidad.

No comments:

Post a Comment