Saturday, August 06, 2016

Media at ibat-ibang oraganisasyon sa Aklan, magkakaroon ng tree planting ngayong araw

Posted August 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay     

Image result for tree plantingNakatakdang isagawa ang taunang Broadcastreeing o tree planting activity ngayong umaga sa Cabugao, Ibajay, Aklan.

Ito ay pangungunahan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Aklan Chapter kasama ang Seals Rescue, PNP, Philippine Army, Red Cross, Boracay Islanders at mga Mass communication student ng NVC at iba pang volunteers.

Tinatayang nasa mahigit isang libong seedlings ang inaasahang itatanim sa Kapatiran Ground ng RPAA sa nasabing Brgy.

Ang KBP Aklan ay binubuo ng 9 na istasyon ng radyo sa probinsya kasama ang PIA sa pamumuno ng Chairman na si Alan Palma Sr. ng YES FM Boracay.

Ang Brodcasttreeing ng KBP ay isang awardee dahil sa magandang adbokasiya nito sa pangangalaga ng kalikasan.

No comments:

Post a Comment