Posted August 2, 2016
NI Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa 5th Regular Session
ng Sangguniang Bayan Malay ay muling tinalakay ang tungkol sa problema sa
Tambisaan Port.
Tinukoy sa sesyon
ang nararanasang problema ng mga pasahero lalong-lalo na ang mga turista na
papauwi sa kanilang mga lugar ang haba ng pila sa lugar.
Kung kaya’t sa privilege
speech ni Honorable Dante Pagsuguiron ipinunto nito na dapat ng aksyunan ang
suliranin lalo na kapag “Low Tide” na isang dahilan ng pagka-antala ng ilang
mananakay para hindi na ang mga ito mahirapan sa pagsakay.
Dahil dito,
hinikayat nito ang lokal na pamahalaan ng Malay na pag-aralan kung ano ang
kanilang magiging sulusyon dito.
Samantala, sinabi
naman ni SB Jupiter Gallenero na meron na umanong plano dito dati ang
Engineering Office katulad ng pontoon o rampa pero hindi nila alam kung ito ba ay ipagpapatuloy
pa.
Magkakaroon naman
sila ng Committee Hearing kasama ang Committee on Tourism and Environment upang
pag-usapan ang hakbang na gagawin nila sa naturang Port.
No comments:
Post a Comment