Friday, August 05, 2016

Environment summit nakatakdang isagawa sa isla ng Boracay

Posted August 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ENVIRONMENTAL SUMMITIsang Environmental summit umano ang nakatakdang idaos sa isla ng Boracay ngayong taong 2016.

Ito ang sinabi ni Sangguniang Bayan (SB) member at Chairman of Committee on environment Nenette Aguirre Graf sa isang panayam.

Ayon kay Graf, layun umano ng summit na pag-usapan at maghanap ng solusyon para sa mga environmental problem ng Boracay na itinuturing na isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo.

Dahil dito ang Local Government Unit umano ng Malay ay tutulong sa pag-organisa ng nasabing summit kung saan nais naman umanong magsilbi bilang secretariat ang Boracay Foundation, Inc. at Philippine Chamber of Commerce and Industry-Boracay.

Samantala, ang provincial government umano ng Aklan at ang Department of Tourism ay nag-paabot na rin ng suporta para rito.

No comments:

Post a Comment