Friday, August 05, 2016

Public at Private sectors, hinikayat na sumailalim sa Drug test

Posted August 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for drugtestDahil sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga sa bansa, hinihikayat ni Aklan Sangguniang Panlalawigan Member Nemesio Neron na sumailalim ngayon ang mga ito sa drug test.

Sa panukalang resulosyon ni Neron, nais nito  na ang lahat ng pampubliko at pribadong ahensya ng gobyerno sa lokal na sangay ay sumailalim sa "random drug test".

Sa 4rth Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan (SP), nakapaloob din sa  resolusyon na magsagawa ng regular random drug test ang mga estudyante at empleyado ng mga pribado at pampublikong paaralan sa probinsiya .

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng mga komitiba sa Disaster Preparedness and Peace and Order, Committee on Health and Social Services at Committee on Laws, Rules and Ordinances ang nasabing resulosyon.

No comments:

Post a Comment