Friday, August 05, 2016

Construction worker, kulong matapos mahuling nagnanakaw

Postesd August 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulong mata[pos magnakawKulong ang isang Construction worker matapos itong maaktuhang nagnanakaw sa isang tindahan malapit sa isang eskwelahan sa Balabag, Boracay kahapon.

Sumbong ng may-ari ng tindahan na si Lheslie Calle, 28-anyos sa Boracay PNP, sinabihan umano siya ng kanyang katulong na hinahabol ng isang Municipal Auxiliary Police (MAP) ang suspek na construction worker na si alyas “dro” dahil ninakaw nito ang kanyang paninda.

Dahil dito, ay mabilis na pinuntahan ng biktima ang kanyang tindahan at tumawag ng pulis kung saan ang suspek ngayon ay nahuli ng mga otoridad at agad na ikinulong sa Boracay PNP.

Nabatid na ang ninakaw ng suspek ay dalawang kilong bigas, sigarilyo at mga inuming alak.

No comments:

Post a Comment