Thursday, August 04, 2016

"Best Performing Police Station 2016” iginawad sa Boracay PNP

Posted August 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muli na namang nagpakita ng kagalingan ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa larangan ng Police Community Relations (PCR) hindi lang sa probinsya ng Aklan kundi sa buong Western Visayas Region.

Ito’y matapos silang kinilala at tinanghal bilang No 1 "Best Performing Police Station 2016" sa field ng Police Community Relations sa buong probinsya.

Dahil dito nagpapasalamat naman si SPO1 Christopher Mendoza, sa kanilang mga katuwang para sa pagpapatupad ng ibat-ibang programa para sa isla ng Boracay.

Ito umanong parangal ay dahil sa kanilang mga nagawang school at community based activities para sa ikakaunlad ng komunidad ng isla ng Boracay.

Maliban dito kinilala din si Mendoza bilang Outstanding Senior PNCO para sa 2016 sa larangan ng Police Community Relations.

Ang awarding ay ginanap noong 21st Police Community Relations Month Culminating Program sa Camp Pastor Martelino, Kalibo, Aklan.

No comments:

Post a Comment