Thursday, August 04, 2016

Magkapitbahay sa Boracay, nagtalo dahil sa videoke

Posted August 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for malakas na videokeNauwi sa pagtatalo ang magkapitbahay dahil sa lakas umano ng volume ng videoke sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling.

Sa report ng nagrereklamong si Pamela Beronio, 34-anyos sa Boracay PNP, nagkaroon umano sila ng mainitang diskusyon ng suspek na si alyas Hans na isang Coast Guard Auxiliary matapos nitong pahinaan ang volume ng kanilang videoki dahil hindi umano sila makatulog.

Subali’t, hindi umano naunawaan ng inirereklamong si Hans ang paki-usap ng biktima kung saan siya pa umano ang nagalit sa biktima at pinagsalitaan ito ng masasakit na salita.

Dahil dito, inawat naman ang suspek ng kanyang asawa kung saan gusto pa nitong makipag-away sa biktima.

Hindi naman nagdalawang isip ang nagrereklamo na isumbong ito sa mga pulis kung saan nakatakda naman ang mga itong magharap sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc.

No comments:

Post a Comment