Tuesday, February 02, 2016

Shellfish Ban sa tatlong bayan sa Aklan tinanggal na ng BFAR

Posted February 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for shellfish banLigtas na ngayong kainin ang mga isda, shellfish at halamang dagat mula sa mga baybaying sakop ng bayan ng Batan, Altavas at New Washington.

Ito’y matapos tanggalin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang shellfish ban sa mga nasabing bayan sa probinsya ng Aklan.

Base sa ipinadalang kalatas ni Mr. May Guanco OIC ng Provincial Fisheries Office-Aklan, kung saan nakasaad sa shellfish bulletin no. 3 na toxic free na ang mga nasabing lugar.

Nakasaad din dito na ang paghahanap, pag-harvest, pagbenta at pagkain ng lahat ng klase ng shellfish ay ligtas na bilang konsumo ng mga tao.

Nabatid na noon pang nakaraang taon nagsimula ang nasabing ban kung saan nagsimula ito sa probinsya ng Capiz noong Setyembre 2015 hanggang sa kumalat papuntang bayan ng Batan at sa kalapit na lugar.

No comments:

Post a Comment