Thursday, February 04, 2016

Budget ng Malay para sa 2016 babalasahin na ngayong Martes

Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for budgetNgayong darating na Martes na babalasahin ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Annual Budget na makukuha ng LGU Malay para sa taong 2016.

Ito ang sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre sa ginanap na 5th Regular SB Session ng Malay kahapon.

Sa nakaraang Session ay isinalang sa Committee on Budget and Appropriation ang tungkol sa nasabing Annual Budget kung saan kailangan munang matukoy ang mga paggamitan nito.

Dahil dito nananatili parin ngayong nag-aantay ang mga department heads ng LGU para sa kanilang budget na gagamitin ngayong taon.

Nabatid na maglalaan ng oras ang Konseho para sa pagtalakay sa mga proyekto na siyang paggamitan ng budget sa kasalukyang taon.

No comments:

Post a Comment