Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kabilang ang paglago ng turismo ng isla ng Boracay sa mga
binanggit ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa kanyang State of the
Province Address (SOPA) kahapon sa SP Session Hall Kalibo.
Ayon sa gobernador naabot nila ang kanilang target na 1.5
million tourist arrival noong 2015 kumpara noog 2014 na halos umabot lamang ng
1.4 million.
Aniya nananatili paring pinipili ng mga domestic at foreign
tourist ang isla ng Boracay bilang kanilang tourist destination.
Sinabi pa ng gobernador na ang Boracay ngayon ay isa ng
cruise ship haven kung saan umabot sa siyam na mga cruise ship ang bumista sa
isla noong nakaraang taon.
Dahil dito pinasalamatan naman ni Miraflores ang mga
stakeholders sa isla ng Boracay dahil sa naging tulong at kontribusyon ng mga
ito sa pagpapalago ng turismo ng isla.
No comments:
Post a Comment