Posted
February 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa umanong malaking “good news” para sa mga miyembro at
kunsumidor ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) kung sakaling matuloy na ang
pagbayad ng bill sa isang pawnshop.
Ayon kay Yoko Mendoza PIO ng Akelco, nasa pag-uusap na
umano ito ngayon ng Akelco management board at ng kilalang pawnshop sa bansa para
sa isang partnership.
Sinabi nito na kung maaaprobahan na ito ay hindi na
kailangang pumunta pa sa opisina ng Akelco para magbayad kundi puwedi na sa kanilang
magiging partner na pawnshop.
Kaugnay nito, ito na rin umano ang solusyon sa sinasabing
kakulangan ng Ambulant telering at mahabang pila sa isla ng Boracay sa panahon
ng pagbabayad ng bill.
Nabatid na maraming nagrereklamo sa AKELCO Office sa
Boracay dahil sa mabagal na operasyon dulot ng kakulangan ng empleyado na
siyang nagreresulta ng mahabang pila ng mga nagbabayad ng bill sa kuryente.
Kaugnay nito, nakatakda umanong idulog ni Mendoza sa
isasagawang forum ang naturang problema sa Boracay kung saan wala pa umano sa
desisyon ngayon ng kanilang department at ng division ang magdagdag ng tao sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment