Posted Febuary 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sumulat umano si OIC,
PFO Aklan Mr. May Guanco ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAV)
kay Gov. Florencio Miaraflores kaugnay sa operasyon ng bagong patrol boat sa
Aklan.
Sa SP Session sa
Kalibo, hiniling ni Guanco sa gobernador na kung maaari ay gumawa ng TWO o
Technical Working Group para sa pag-gamit, pagbibigay ng guidelines, plano at
protocol para sa pag-operate ng nasabing bangka.
Awtomatiko naman
itong pangungunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAV) para sa
pagbigay ng angkop na mga dapat gawin sa pag-operate nito.
Samantala,
gagamitin ang nasabing patrol boat sa tatlong bayan sa Aklan na kinabibilangan ng Altavas, Batan at
New Washington.
Nabatid na layun
ng operasyon nito ay para mabantayan at ma-protektahan ang Coastal Waters sa
probinsya laban sa Illegal fishing at iba pang illegal na gawain ang karagatan.
No comments:
Post a Comment