Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Womens and
Children Desk Office ng Boracay PNP sa natagpuang patay na sanggol sa Material
Recovery Facility (MRF) sa Brgy.Manoc-Manoc Boracay nitong Miyerkules.
Ayon sa isa sa mga Staff ng MRF, walang tigil ngayon ang
ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy kung saan nagmula sa
naturang baranggay ang sanggol at kung sinong walang awang magulang ang
nagtapon nito.
Ang sanggol ay nakita nitong Miyerkules ni Hermie Domingo
na isang empleyado ng MRF kung saan nagsi-segregate ito ng basura ng makahawak
siya ng mabasang bagay na inakala niyang kaning baboy.
Dito laking gulat ni Domingo ng makita niya ang sanggol
na lalaki na nakakabit pa ang pusod at tinatayang nasa walo hanggang siyam na
buwan at mistulang anak ng isang foreigner dahil sa itsura nito at laki.
Agad namang pinamisahan ng Manoc-Manoc Brgy. Council ang
naturang sanggol at inilibing sa Manoc-Manoc Cemetery.
No comments:
Post a Comment