Tuesday, February 02, 2016

Boracay, naiilawan na ng 78 Solar street lights

Posted February 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for solar street lightsUmiilaw na umano ngayon ang 78 Solar Street Lights sa ilang area sa Boracay partikular sa Balabag Plaza, Yapak at Mt. Luho.

Ayon kay OIC for Municipal Engineer’s Office Engr. Arnold Solano, nasa 118 solar panel umano ang kanilang itatayo sa isla na kung saan karamihan umano nito ay nasa mainroad at papuntang Tambisaan Port sa Manoc-Manoc.

Nagkakahalaga umano ang budget nito ng P5 Milyon na proyekto ng Local Government Unit ng Malay kung saan napag-alaman na dapat noong bago pa mag APEC Ministerial Meeting ito itatayo sa Boracay.

Sinabi pa nito na ang Solar Panel ay maganda ang kalikad na ang may hawak ay kumpanya mula sa US kung saan mayroon umanong 25 years warranty at iilaw kahit na brown out.

Ang pagpapatayo naman umano nito ay may distansyang 40-45 meters at may 6 meters wide mula sa setback sa mainroad.

Samantala, target namang maitayo ang 118 na Solar Street lights ngayong Pebrero 15, 2016 sa tatlong Brgy. sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment