Thursday, February 04, 2016

BRTF Officials at Engineering Office ng Malay nakipagharap na sa SB Malay

Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakipagharap na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) at Engineering Office.

Ito’y matapos silang ipatawag ng SB Malay para talakayin ang mga problema sa isla ng Boracay na kinabibilangan ng Building permit, widening project, street lights at iba-iba pang concern ng konseho.

Kabilang naman sa mga dumalo rito ay sina Engr. Arnold Solano OIC Municipal Engineer; Alma Belejerdo, MPDC/Zoning Administrator; Island Administrator Glen Sacapaño, BRTF Secretary Mabel Bacani at at iba pang technical team ng LGU Malay.

Pinangunahan naman ni SB Member Frolibar Bautista ang pagtatanong sa mga bisita kaugnay sa ibat-ibang isyu sa building construction ngayon sa isla.

Inalaman din nito kung anong mga establisyemento ang hindi naisyuhan ng building permit kabilang na ang mga hindi sumunod sa 6 meter easement rule sa mainroad.

Samantala, hiniling naman nito na sana’y maaayos na kung ano man ang problema ngayon sa Boracay katuwang ang mga kinauukulan.

No comments:

Post a Comment