Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil dito nag-paalala ang Municipal Transportation
Office (MTRO) sa mga operator at owner ng motorized at electric vehicles sa
Boracay na kailangan na nilang mag-proseso at mag-renew ng kanilang Mayor’s
Permit para makapag operate ang kanilang mga sasakyan.
Ayon kay MTO Officer Cesar Oczon, dapat maaayos na ito
bago sumapit ang deadline sa Pebrero 20, 2016 upang maiwasan ang abala at
penalidad.
Nabatid na ilan sa mga kailangang requirements sa
naturang permit ay ang kopya ng nakaraang permit to transport, 2016 Barangay
Certification para sa nasabing sasakyan, kasalukuyang LTO OR/CR at kopya ng
business permit para sa business service company o hotel service extension.
Samantala, paalala pa ni Oczon na ang hindi pag-renew ng
kaukulang permit ay pagmumultahin ng P2, 500 bilang pagsunod sa Municipal
Traffic Code ng Malay kung saan naaprobahan ito noong 2015.
No comments:
Post a Comment