YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 02, 2016

PHO Aklan, nagpa-alala hinggil sa sakit na Zika virus

Posted Febuary 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dengue feverNagpaalalala ngayon ang Provincial Health Office (PHO) Aklan sa publiko na maging maingat at maging alerto sa sakit na Zika virus na nananalasa sa ibang bansa.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer I, ang sakit na Zika virus ay nakukuha sa kagat ng lamok na pareho ang sintomas sa dengue na ang sanhi umano nito ay lagnat, rashes, sakit ng katawan at walang ganang kumain.

Aniya, idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang mosquito-borne Zika virus bilang international public health emergency dahil katulad narin ito sa mga malalaking sakit na dumaan sa ibang bansa.

Sinasabing mas delikado ito sa mga nagbubuntis na babae dahil ang Zika virus ay sinasabing makakaapekto ito sa kanilang isisilang na sanggol na ang magiging resulta ay maliit ang ulo, mayroong brain defect at makasira ng paningin.

Bagama’t, Zika virus free naman ang ating bansa sa nasabing sakit pinayuhan naman ngayon ni Cuachon ang mga buntis na babae na iwasan ang paglalakbay sa mga lugar na laganap itong sakit.

Dagdag pa nito muli niyang paalala sa publiko na maging malinis sa ating paligid at makipagtulungan upang labanan ang mga lamok na nakakamatay pag ito ay pinabayaaan.

No comments:

Post a Comment