Monday, February 01, 2016

Lady Boy, sinuntok ng turistang Koreano matapos mapagkamalang babae

Posted Febuary 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Suntuk ang tinamo ng isang Lady Boy mula sa isang hindi nakilalang Korean National sa Sitio Manggayad, Balabag, Boracay.

Sa report sa Boracay PNP, ini-reklamo ng 28-anyos na lady boy kaninang madaling araw ang isang Korean national ng panununtok matapos umanong mabuko na hindi siya tunay na babae at isa siyang bading.

Dahil dito, pinayuhan naman ng mga pulis ang biktima na balikan nito ang suspek para makuha ang kanyang pangalan upang pormal na masampahan ng kaukulang kaso.

Ngunit sa kabila nito, mas minabuti nalang ng biktima na ipa-record sa Boracay PNP ang nangyaring panununtok sa kanya.

No comments:

Post a Comment