Monday, February 01, 2016

18 CCTV camera ng LGU Malay ikinabit sa mga crime prone areas sa Boracay

Posted February 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by Boracay PNP
Nasa 18 CCTV camera ngayon ang ikinabit sa mga crime prone areas sa isla ng Boracay.

Ito ay bilang tugon sa mga naitatalang insidente sa isla na proyekto naman ng Local Government Unit ng Malay sa ilalim ng Local Disaster Risk and Reduction Management Office.

Hawak naman ng Boracay PNP Operation Office ang 48" monitor ng nasabing 18 CCTV upang mas mapabilis ang pagrespondi sa anumang insidente sa isla.

Nabatid na ang CCTV ay malaking bagay para sa mga otoridad sa Boracay sa pamamagitan ng pagresolba ng anumang krimen sa mga lugar na nahahagip ng CCTV.

No comments:

Post a Comment