Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ay sa kabila ng madami umanong challenges at
criticism na kanilang mga natatanggap.
Ayon sa gobernador nagdagdag sila ng mga facilities sa Caticlan
Jetty Port kagaya ng fast cat, roro steel ramp at full truck scale para naman
sa outbound roro vehicles.
Maliban dito, nagsagawa na rin umano sila ng pagsasaayos
at rehabilitasyon sa mga facilities katulad ng access road, passageways,
canopies, comport room at mga building.
Samantala, pinapabuti na rin umano nila ngayon ang
terminal building sa Cagban na kinabibilangan naman ng installation ng exterior
ceiling, glass enclosure, CCTV at steel ladder para sa mga bangka.
Dagdag pa nito na patuloy din ang construction ng holding
area gayon din ang construction ng mas matibay na concrete pier.
Kabilang pa sa mga binanggit ng gobernador ay ang
kasalukuyang ginagawang 2.64 hectares na MARINA Reclamation Project sa
Caticlan.
No comments:
Post a Comment