Posted February 1, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Sama-sama ang
ibat-ibang department heads ng LGU Malay at mga personnel ng Philippine
National Police sa lalawigan at sa katabing probinsya sa pagtalakay sa security
measures sa Boracay.
Ito ay kaugnay sa
isinagawang Boracay Integrated Security Coordinating Conference nitong Enero
29, 2016 na dinaluhan ni Antique PPO Officer In-Charge PSSUPT Louis Garong,
Aklan PPO Officer In-Charge PSSUPT John Mitchell Jamili, NICA 6 Regional
Director Col Aldred Limos, Capt Abayon ng MIG, BTAC Chief PSI Nilo Morallos,
PCG-Caticlan Commander Lt Edison Diaz, Malay PNP Officer In-Charge PSI Frensy Andrade
at Boracay Action Group Adviser/Consultant Commodore Leonard Tirol.
Pinangunahan
naman ni Tirol ang nasabing conference kung saan ibinahagi nito sa mga dumalo
ang kanilang ginagawang security measures at proteksyon sa isla sa ilalim ng
BAG.
Maliban dito
tinalakay rin ang Contingency Plan sa limang magkahiwalay na senaryo at ang
paglalagay ng bagong 18 CCTV Camera para sa pagtulong sa pagsupo ng krimen sa
isla.
Nabatid na
kaliwat kanan ang ginagawang meeting ng mga otoridad para sa Boracay upang lalong
mapaigting ang seguridad sa anumang banta laban sa turismo.
No comments:
Post a Comment