Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot na ngayon sa 13 indibidwal ang naaresto sa
probinsya ng Aklan matapos na lumabag sa Comelec Gun ban para sa 2016 National
and Local Election.
Ito ay base sa tala ng Aklan Police Provincial Office
(APPO) kung saan sampung patalim na ang nakumpiska mula sa mga civilian at
tatlong mga baril simula Enero 10 hanggang nitong Enero 31.
Walo sa mga lumabag sa gun ban ay nahuli sa bayan ng
Kalibo, tatlo sa bayan ng Numancia at dalawa naman sa isla ng Boracay na
kinilalang si Ruel Zonio at Randy Ventura na nahuli noong Enero 26 matapos
manghold-up sa isang tindahan ng cellphone sa isla.
Nabatid na ang 13 mga nahuli ay mahahaparap sa penalidad
sa paglabag sa Comelec Resolution No. 10015 dahil sa pagdadala at paggamit ng
mga ipinagbabawal at nakakamatay na armas sa panahon ng gun ban.
No comments:
Post a Comment