Monday, February 01, 2016

Dumpsite ng isang hotel sa Boracay, nasunog

Posted February 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Patuloy parin ngayong ina-apula ang sunog sa isang dumpsite sa Brgy. Manoc-manoc na pagmamay-ari ng isang malaking hotel sa Boracay.

Ayon kay FO3 Jed Lagoon ng BFP Boracay, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa may-ari ng hotel alas 11:40 kaninang umaga.

Hindi agad-agad maapula ang apoy dahil sa pumapaibaba umano ito kung saan kinakailangan pang mag-request ng backhoe sa LGU Malay na huhukay sa nasabing basurang nasusunog.

Sa ngayon inaalam pa ng imbestigador ang sanhi ng sunog kung saan sinasabi naman umanong tinapunan ito ng upos ng sigarilyo.
Samantala, katuwang ng BFP sa pag-apula ng sunog ang Boracay Tubi, BIWC, BFRAV, Boracay Action Group at Kabalikat CIVICOM.

No comments:

Post a Comment