Monday, November 23, 2015

Security plan ng BTAC sa pagpasok ng peak season sa Boracay plantsado na

Posted November 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Image result for boracay PNPPlantsado na umano ang ipapatupad na seguridad ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa isla ng Boracay ngayong papasok na peak season.

Ito ang sinabi ni Boracay police chief Senior Inspector Fidel Gentallan, sa panayam ng YES FM Boracay.

Ayon kay Gentallan, nagsisimula ng dumagsa ang maraming turista sa Boracay kung saan inaasahang dadami pa umano ito sa pagpasok ng buwan ng Desyembre at ng Holiday season.

Dahil dito, tuloy-tuloy umano silang nagsasagawa ng operation sa buong isla ng Boracay katulad ng foot patrol at bike patrol kasama ang ibang mga law enforcers sa isla.

Maliban dito mahigpit umano nilang ipinapatupad ang “Oplan Lambat Sibat” kagaya ng pagkakaroon ng checkpoint gabi-gabi at ang Oplan operation bakal.

Samantala maliban umano sa beach front ay may mga nakatalaga ring mga pulis sa Yapak kabilang ang Puka beach, Cagban Port at back beach kung saan katuwang nila rito ang PNP Maritime Police.

No comments:

Post a Comment