Wednesday, November 25, 2015

Boracay handa umano sakaling magkaroon ng terror attack

Posted November 25, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Handa umano ang pwersa ng isla ng Boracay sakaling magkaroon ng terror attack sa kilalang tourist destination sa buong mundo.

Ito ang pagtiyak ni Commodore Leonard Tirol ng Boracay Action Group (BAG) sa himpilang ito.

Ayon kay Tirol naka-full alert na umano ang kanilang hanay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Sea Borre patrol sa karagatang sakop ng isla ng Boracay gamit ang kanilang apat na speed boat.

Sinabi din nito na fully-armed o armado ang sakay ng nasabing mga speed boat kung saan kinabibilangan din ito ng mga Police, Philippine Coastguard, Maritime Police at iba pang mga law enforcers sa isla.

Layun umano ng kanilang pagpapatrolya ay mailigtas ang Boracay sakaling magkaroon ng banta laban sa mga terorista gaya ng nangyaring Paris attack gayon din ang kaguluhang nangyari sa Mali at sa Belgium.

Samantala, pinaalalahanan din ni Tirol ang mga pasaway bangka ng island hopping at ang mga speed boat na dumadaong sa ipinigbabawal na area sa front beach na sundin ang mga ordinansa ng Malay upang maiwasan ang perwisyong idinudulot sa turismo ng isla.

Kaugnay nito pinaalalahanan naman ni Tirol ang mga residente at stakeholders sa Boracay na maging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran at mag-sumbong sa mga otoridad sakaling may mapansing kahina-hinalang pangyayari sa kanilang nasasakupan.

No comments:

Post a Comment