Thursday, November 26, 2015

Construction sa Timberland area sa Mt. Luho pinuna sa SB Malay

Posted November 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Timberland area sa boracayPinuna sa Sangguniang Bayan ng Malay nitong 42nd Regular SB Session ng Malay ang ginagawang construction sa Timberland area sa Mt. Luho Boracay.

Sa Privilege hour sinabi ni SB Member Floribar Bautista na bakit hinayaang makapagtayo ng construction sa nasabing area sa kabila na pagkansila ng Flag-T na sinang-ayunan naman ng konseho.

Maliban dito kwinestyon din ni Bautista kung bakit pinayagan ito ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ngayong napupuno na umano ng construction ang mga bundok sa Boracay.

Samantala, dahil dito nakatakdang ipatawag sa susunod na SB Session ng Malay ang DENR CENRO-Boracay, Zoning Office ng Malay at ang Committee on Land Use para talakayin kung sino ang nagbigay ng pahintulot na gumawa ng construction sa mga ipinagbabawal na lugara kagaya ng Timberland area.c

No comments:

Post a Comment