Monday, November 23, 2015

Muslim, nagreklamo matapos nakawan ng sariling bayaw

Posted November 23, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Image result for cash vaultHindi na ngayon mahagilap ang bayaw ng isang Muslim sa Boracay matapos umano siya nitong nakawan sa Sitio. Ambulong Manoc-manoc Boracay, Malay, Aklan kahapon.

Perang nagkakalaga ng P50,000 ang natangay mula sa biktimang si Alibasher Sarip 25-anyos residente ng Marawi City at temporaryong nakatira sa nasabing lugar.

Sa report ng biktima sa Boracay PNP, sinabihan umano siya ng kanyang asawa na nawawala ang kanilang pera na nakalagay sa isang improvised wooden vault sa loob ng kanilang kwarto.

Ayon sa biktima may bakas na ginamitan ng screw driver ang vault para ito’y mabuksan kung saan sinasabing ang huli lang umano nilang kasama sa bahay ay ang kapatid ng kanyang asawa na si Jalal Mangundatu 21-anyos na bayaw nito.

Sa ngayon, pinag-hahanap na ng mga otoridad ang suspek na tumangay sa nasabing pera.

No comments:

Post a Comment