Saturday, November 28, 2015

Cargo area sa Boracay mahigpit na mino-monitor ng Coastguard

Posted November 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cargo area sa boracayTodo higpit ngayon ang ginagawang pag-momonitor ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan sa mga cargo area sa isla ng Boracay.

Ito’y para maiwasan ang pagpasok ng mga illegal na kargaminto at ang mga taong may masasamang binabalak sa isla.

Ayon kay PCG Caticlan Commander Lt. Idison Diaz, nagkaroon umano sila ng meeting kasama si PSSUPT Iver Apellido, Acting Provincial Director ng Aklan PPO kung saan isa sa mga napag-usapan rito ay ang seguridad sa cargo area sa isla ng Boracay.

Sinabi ni Diaz na nagsasagawa umano sila ng random inspection sa mga nasabing cargo area at surprise inspection kasama ang kanilangf K-9 unit.

Maliban dito sinusuri din umano nila ang mga motorbanca kung ito ba ay overload at walang naikakargang illegal na kargaminto.

Samantala, ipinaalala naman ni Diaz, na hanggang alas-10 lang ng gabi pinapayagan mag-operate ang mga cargo vessel sa Boracay.

No comments:

Post a Comment