Monday, November 23, 2015

Construction worker tinambangan at binugbog ng tricycle driver sa Boracay

Posted November 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Wala umanong nakikitang dahilan ang biktimang construction worker para bugbugin ito ng tricycle driver sa Boracay kaninang madaling araw.

Sumbong ni Victor Tejero, 41-anyos ng Surigao Del Sur at temporaryong nakatira sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak sa Boracay PNP, naglalakad umano siya kasama ang tatlong kalalakihan mula sa isang bar sa Balabag ng tambangan siya at bugbugin ng hindi nakilalang tricycle driver.

Ayon sa biktima pinagsusuntok umano siya ng suspek sa mukha pati na sa kanyang ibat-ibang parti ng katawan na nagresulta ng sakit at sugat sa kanya.

Matapos ang pananakit sa kanya mabilis din umanong umalis sa lugar ang suspek kasama pa ang grupo ng mga kalalakihan.

Samantala, agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga pulis para sa ikadarakip ng nakatakas na driver na nakasuot umano ng kulay dilaw na uniforme ng tricycle driver sa Boracay.

No comments:

Post a Comment