Thursday, November 26, 2015

Hotel sa Boracay, nakatanggap ng pagbabanta mula sa nagpakilalang NPA

Posted November 26, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for cell phoneBinalot ng takot ang isang hotel sa Station 3, Brgy. Manoc-manoc Boracay, Malay, Aklan matapos makatanggap ng pagbabanta mula sa sinasabing NPA.

Sumbong ng Front Officer Supervisor ng naturang hotel sa Boracay PNP, hawak umano ng kanyang staff ang kanilang company phone ng makatanggap ito ng tawag mula sa isang lalaki na hinahanap ang kanilang Manager at humihingi ng tulong pinansyal.

Sinabi pa umano ng nagpakilalang NPA na si certain “kumander Andy” na nasa labas umano ng hotel ang iba nitong mga kasamahan at nakaporma na, at kung hindi umano sila bibigyan ng pera ay magsasagawa sila ng pag-atake.

Samantala, ang kaso ay ini-refer na sa Intel Section ng Boracay PNP para imbestigahan kung sino ang nasa likod ng nasabing pananakot na nagpakilalang NPA.

No comments:

Post a Comment