Thursday, November 26, 2015

Nagkaalitang MAP at grupo ng Muslim sa Boracay ipapatawag sa SB Session ng Malay

Posted November 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for malay SB SESSIONMainit na tinalakay sa ika-42nd SB Session ng Malay nitong Martes ang tungkol sa nangyaring alitan sa pagitan ng isang MAP member at ng grupo ng Muslim sa Boracay.

Ito ang naging laman ng privilege hour ni SB member Rowen Aguirre matapos ang nangyaring  bangaan ng dalawang grupo nitong nakaraang Sabado kung saan sinita ng MAP ang sinasabing illegal vendor na Muslim sa station 2 beach front.

Dahil dito, ikinalungkot ni Aguirre ang nasabing pangyayari kung saan dalawang beses na umano itong nangyari na nabugbog ang MAP dahil lamang sa paninita sa mga pasaway na vendor sa isla.

Kaugnay nito nagdisisyon si Aguirre at ang buong konseho na ipatawag sa Session ang MAP na umano’y binugbog at ang grupo ng Muslim na kinabibilangan umano ng anim na kalalakihan na sinasabing nambugbog sa MAP member.

Maliban dito ipapatawag din sa nasabing session ang Boracay PNP at ang iba pang Law Enforcers sa Boracay na nag-iimplimenta ng mga kautusan at o ordinansa ng LGU laban sa mga illegal at ambulant vendors sa Boracay.

Samantala, ikinadismaya naman ni SB member Floribar Bautista ang pagkakaroon parin ng mga nasabing illegal vendor sa kabila ng marami namang nagbabantay na law enforcers sa beach area.

No comments:

Post a Comment