Wednesday, November 25, 2015

LGU Malay sasailalim sa evaluation ng DILG 6 ngayong araw

Posted November 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for LGU MALAYNgayong araw ng Miyerkules nakatakdang sumailalim sa evaluation ang Local Government Unit (LGU) Malay.

Ito ay pamumunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 6 para sa pagkakakuha ng nasabing bayan ng Seal Of Good Local Governance ngayong 2015.

Kaugnay nito nagkaroon naman ng evaluation kahapon ng umaga si Malay DILG Officer Mark Delos Reyes sa mga department heads ng LGU Malay at ng iba pang departamento na sakop ng nasabing bayan.

Nabatid na ang naturang evaluation ay para malaman kung paano naisasaayos ang mga dokumento ng LGU Malay at upang alamin kung anong mga ordinansa ang naipasa ng Sangguniang Bayan para sa nasasakupan nito.

Ang Seal of Good Local Governance ay patunay na ang isang bayan ay maaayos na naisasagawa ang tungkulin para sa mamamayan at maayos na naglilingkod bilang isang gobyerno.

No comments:

Post a Comment