Wednesday, November 25, 2015

Australian national, nabiktima ng snatching sa Boracay

Posted November 25, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for magnanakaw ng bagHindi inakala ng isang Australian national na mabibiktima siya ng snatching habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Sumbong ng biktimang si Candice Mari Rock 36- anyos ng Australia sa Boracay PNP, naglalakad umano siya kasama ang kanyang nobyo sa isang madilim na bahagi ng front beach sa Station 1 Brgy. Balabag, Boracay,Malay, Aklan kagabi ng bigla silang harangan ng hindi nakilalang suspek at doon ay mabilis na tinangay ang kanyang dala-dalang sling bag.

Dahil sa dilim ng lugar hindi na rin umano namalayan ng biktima at ng kanyang nobyo kung saang direksyon papunta ang magnanakaw na hindi rin nito namukhaan.

Ayon sa biktima ang kanyang bag na tinangay ng suspek ay naglalaman ng iphone6, at mga importanteng dokumento.

No comments:

Post a Comment