Tuesday, November 24, 2015

Crime incident sa Boracay bumaba-BTAC

Posted November 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for crime rate sa BoracayBumaba umano ngayong 1st at 2nd quarter ng taong 2015 ang naitatalang untoward incident sa Boracay kumpara noong nakaraang taon ng kapareho ring quarter.

Ito ang sinabi ni Police chief Senior Inspector Fidel Gentallan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) base sa kanilang mga naitatalang blotter report.

Ayon kay Gentallan, ito umano ay marahil na rin sa kanilang ginagawang mahigpit na pagbabantay sa seguridad at ang 24-oras na operation sa buong isla ng Boracay.

Bagamat may mga naitatala paring insidente kagaya ng mga nakawan tiniyak naman ng BTAC na babawasan nila ang ganitong problema sa isla.

Sinabi pa ni Gentallan na mahigpit nilang minomonitor ngayon ang mga grupo ng mga menor-de edad na pagala-gala sa Boracay na siyang kalimitang suspek sa nakawan sa beach area.

Samantala, naka-tuon din ngayon sa seguridad ang Boracay PNP sa kaso ng mga insidente sa isla kagaya ng physical injuries at petty crimes upang matiyak ang kaligtasan ng Boracay at ng mga turistang dumadayo rito.

No comments:

Post a Comment