Wednesday, November 25, 2015

Bagong lane papuntang bayan ng Malay binuksan na

Posted November 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Binuksan na kahapon sa publiko ang bagong lane o kalsada papuntang bayan ng Malay mula sa Caticlan Airport.

Ito’y matapos isarado ng TransAir ang way na papuntang bayan ng Malay dahil sa expansion project ng nasabing paliparan na gagawing International airport.

Makikita naman sa bagong gawang kalsada ang dagat na katabi mismo nito na nagiging atraksyon sa mga dumaraang motorista.

Nabatid na malaking area ang nasakop ng Caticlan airport kabilang na ang isang pampublikong paaralan sa nagpapatuloy na construction kung saan inaasahang magbubukas ito sa taong 2018.

Samantala makikita naman sa bayan ng Nabas ang kaparehong gawang kalsada na kadugtong din ng Caticlan Airport.

No comments:

Post a Comment