Monday, November 23, 2015

MAP member sa Boracay, pinagtulungang bugbugin ng tatlong Muslim

Posted November 23, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotter reportBugbog ang inabot ng isang MAP member sa Boracay matapos nitong hulihin ang illegal vendors na Muslim kahapon sa Station 2, Boracay, Malay, Aklan.

Ayon kay Jeff Grande 37- anyos ng Municipal Auxiliary Police (MAP), nagsasagawa umano sila ng inspeksyon sa beach area ng maaktuhan nila ang isang muslim vendors na nagbibinta ng monopod at water proof ng walang permit mula sa LGU Malay kung saan agad nila itong hinuli.

Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, matapos niya umanong hulihin si certain ‘Lukman’ ay mabilis siya nitong sinuntok at pinambubugbog kasama pa ang tatlong Muslim.

Dahil sa nasabing insidente mabilis namang humingi ng tulong ang biktima sa himpilan ng Boracay PNP para mahuli ang mga nasabing suspek.

Samantala, pinagharap naman ang dalawang panig sa Brgy Justice System para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment