YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 23, 2015

Performance ng Boracay sa tourist arrival ikinatuwa ng DOT 6

Posted November 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Positibo umano at masaya si Regional Director Helen Catalbas ng Department of Tourism (DOT) 6 sa performance ng Boracay pagdating sa tourist arrival ngayong taon.


Ito ang sinabi sa panayam ng YES FM 911 kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete.

Aniya, masaya umano si Catalbas dahil umabot na ngayon sa 1.3 million ang naitalang tourist arrival sa Boracay simula Enero hanggang Oktobre ngayon taon.

Dahil dito, kumpiyansa umano si Director na maaabot nila ang target na 1.5 million tourist arrival para sa taong 2015.

Sa kabilang banda sinabi ni Velete na pasok sa top 3 sa pinakamaraming turistang dumadayo sa bansa ang isla ng Boracay kung saan nangunga rito ang Cebu at sinundan naman ng NCR Region.

Ngunit sa kabila nito, nilinaw ni Velete na ang Cebu at NCR ay malalaking siyudad kumpara sa Boracay na binubuo lamang ng tatlong Brgy. sa ilalim ng isang bayan pero madaming pumupuntang turista dahil sa economic growth.

Samantala, ang Korean nationals parin ang nangunguna pagdating sa tourist arrival sa Boracay kung saan umabot na sa mahigit dalawang daang libong koreano ang nagbakasyon sa Boracay nito lamang taon na sinundan naman ng Chinese; Taiwanese; Malaysian; American at iba pang bansa sa Europa.

No comments:

Post a Comment