Friday, November 27, 2015

Dahil sa pananakit, misis tinaga si mister sa Nabas, Aklan

Posted November 27, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sinaksakDuguan ang isang mister matapos itong tagain ng kanyang sariling misis alas 6:45 kahapon ng umaga sa Brgy. Libertad, Nabas, Aklan.

Nakilala ang biktimang si Leonardo 57- anyos at asawa nitong suspek na si Eva Castro 68- anyos.

Ayon sa report ng Nabas PNP, dahil umano sa away at pananakit ng mister nito sa kanyang misis ang siyang itinuturong dahilan para tagain nito ang kanyang mister ng tatlong beses sa kanyang ulo at sa kaliwang kamay ng isang beses.

Nabatid na bago nangyari ang insidente ay umalis umano ang mga anak ng mag-asawa sa kanilang bahay dahil umano sa takot sa kanilang ama.

Agad namang dinala si Leonardo sa Baptist Hospital ng Malay pero agad namang ni-refer ito sa bayan ng Kalibo para mabigyan ng karampatang medikasyon.

Samantala wala namang balak ang mister nitong ipakulong ang misis matapos ang ginawang pagtataga nito sa kanya.

No comments:

Post a Comment