Tuesday, November 24, 2015

Bahay sa Boracay nilooban ng magnanakaw cash at mga gadget tinangay

Posted November 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang bahay ang sinalakay ng hindi nakilalang kawatan sa isla ng Boracay kaninang ala-ona ng madaling araw.

Sumbong ng biktimang si Jessan Chavez, 24-anyos ng Cagban Babaw, Brgy. Manoc-manoc, Malay Aklan sa Boracay PNP, sinabihan na lamang umano siya ng nakatira rin sa lugar na mayroong isang lalaki na sinasabing magnanakaw ang pumasok sa inuupahan nitong bahay.

Dahil dito agad na sinuri ng biktima ang kanyang mga gamit at doon ay nadiskobrehan niyang nawawala na ang kanyang portable dvd player, isang unit ng cellphone at perang nagkakahalaga ng limang libong peso.

Paniwala ng biktima ito ay tinangay ng hindi nakilalang suspek na lalaki na sinasabing may katangkaran at may payat na pangangatawan.

Samantala, napansin naman ng witness na mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Cagban Port area.

No comments:

Post a Comment