Saturday, October 24, 2015

Ilan sa magiging kandidata ng Miss Earth – Malay 2015, ipinakilala na

Posted October 24, 2015

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ipinakilala na ang ilang mga kandidata na lalahok sa gaganaping Miss Earth Malay 2015.

Sa kanilang interview sa himpilang ito, sa pangunguna na rin ni Engineer Tresha Lozañes at Al Lumagod ng Environmental Management Services Unit Office ng LGU Malay, ipinakilala ng mga ito ang labin-apat na mga nag-gagandahang  dilag na lalahok sa naturang kompetisyon.

Ang mga lalahok na kandidata ay kinabibilangan ng 17 Barangay ng Malay.

Ayon kay Lozanes  inorganisa nila itong pageant upang i-representa at makilala pa ng turismo ang kagandahan ng Malaynon lalong-lalo na ang isla ng Boracay.

Samantala, ang pageant ay gaganapin sa Malay Covered Court sa darating na December 11, 2015.

No comments:

Post a Comment