Wednesday, October 21, 2015

Mga motorcycle driver sa Boracay, pinaalalahanan ng MTO Malay

Posted October 21, 2015
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay

Image result for helmetPinaalalahanan din ngayon ng Malay Transportation Office (MTO) ang mga motorcycle drive sa Boracay na hindi nagsusuot ng kanilang helmet.

Itoy kaugnay sa kanilang ordinansa na ipinapatupad ngayon sa nasabing bayan kung saan maaaring maharap sa ibat-ibang violation ang hindi sumusunod sa kanilang ordinansa.

Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, nasa ordinansa na umano nila ang Safety Helmet Policy mula sa National level na ngayon ay pinapatupad naman sa local level.

Sinabi pa ni Oczon na hindi lamang ang mga motorista na walang helmet ang kanilang huhulihin, partikular din na bibigyan nila ng aksyon ay ang mga motoristang bumabiyahe na walang kumplitong permit.

Nabatid na may-ilang mga pasaway na driver ng motorsiklo ngayon sa Boracay ang hindi gumagamit ng helmet sa tuwing bumibiyahe ang mga ito.

No comments:

Post a Comment