Monday, October 19, 2015

Hotel sa Boracay, ninakawan ng sariling guest

Posted October 19, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Police investigationNagulantang ang isang supervisor ng Hotel sa Boracay matapos silang nakawan ng sarili nilang guest sa Station 2, Brgy. Manggayad, Malay, Aklan kahapon.

Nakilala ang nag-rereklamong si Reynalyn Ramos, Supervisor ng Blue Veranda Suites.

Sumbong ni Ramos sa Boracay PNP, tinangay umano ni Rhea Lazaro ang mga gamit sa loob ng kwarto na inupahan nito noong Oktobre 6-8.

Nabatid sa report, na ang nawawalang gamit ay 13 bottles assorted toiletries, 2 key chains kasama ang vault at 6 towel na tinatayang nagkakahalaga ng P10, 650.00.

Napag-alaman na kumain pa ang pamilyang kasama ng suspek ng almusal sa naturang hotel at sinabi ng mga ito kay Ramos na may iba pa silang inupahang hotel kung saan gagamitin lamang umano nila ang kwarto sa Blue Veranda bilang extra nilang kwarto.

Samantala, ang naturang insidente ay kasalukuyang ngayong iniimbestigahan ng Boracay PNP Station.

No comments:

Post a Comment