Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lubog parin ngayon sa tubig baha ang ilang kalsada sa
isla ng Boracay dulot ng bagyong Lando na nananalasa ngayon sa ilang lugar sa
bansa kabilang ang Metro Manila.
Dahil sa lakas ng bagyo nakakaranas din ngayon ng sama ng
panahon ang Western Visayas partikular ang isla ng Boracay na nasa open sea.
Sa patuloy na pananalasa ni Lando muling lumakas ang hagupit
ng Habagat sa Boracay dahilan para maapektuhan ang mga negosyo sa front beach.
Ibat-ibang basura naman ang makikita sa dalampasigan ng
isla na tinatangay mula sa mainland at ilang kalapit na isla ng Boracay.
Kaugnay nito muling ibinalik ang biyahe ng mga banga
pabalik at papuntang Boracay sa Tambisaan at Tabon port dulot ng malakas na
alon sa Cagban Port.
Todo alerto naman ang Coastguard sa paglalayag ng mga
bangka kung saan pinatigil parin ng PCG ang paglalayag ng mga maliliit na
sasakyang pandagat lalo na papuntang Romblon dahil sa nararanasang sama ng
panahon.
Samantala, nabatid na ang lalawigan ng Aklan at mga
kalapit na probinsya ay nakakaranas rin ng walang tigil na buhos ng ulan at
malakas na hangin.
No comments:
Post a Comment