Tuesday, October 20, 2015

“Tamboe Sadsad Salvo” sa Oktobre 23 sa Kalibo pangungunahan ng 35 tribo

Posted October 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for ati atihan festival posterPangungunahan ng 35 tribo ang isasagawang “Tamboe Sadsad Salvo” sa Oktobre 23 sa bayan ng Kalibo para sa Santo Niño Ati-Atihan Festival 2016.

Ayon kay KASAFI Chairman Albert Menez, ang mga tribo ay mula sa bayan ng Banga, Makato, Malinao, Kalibo, Numancia, at New Washington.

Dagdag ni Menez, ang assembly area ay magaganap sa Kalibo Pastrana Park ng alas-dos ng hapon bago magsimula ang parada kasabay ng malakas na tambol.

Kaugnay nito magkakaroon naman ng Kalibo’s Ultimate Party sa Oktobre 24 sa Kalibo Magsaysay Park kung saan ilang DJs mula sa Metro Manila at artista ang makikisaya sa naturang okasyon.

Samantala, nakahanda na ring ilatag ng mga pulis ang seguridad sa Opening Salvo na inaasahang dadaluhan ng libo-libong deboto kasabay nag-paglatag sa Traffic rerouting plan.

No comments:

Post a Comment